Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Maikling Kwento. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Maikling Kwento. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Hulyo 13, 2009

MABABA ang langit nuong Unang Panahon, abot na abot ng tao. Isang araw, lumabas ng bahay ang isang matandang dalaga (vieja solterona, spinster) upang magbayo (moler, pound ) ng palay. Bago nagsimula, inalis niya ang kanyang suklay ( peine, comb) mula sa buhok ( pelo, hair), at mula sa leeg (cuello, neck), ang kanyang butil-butil na kuwintas (collar de abalorios, bead necklace) at pinagsasabit lahat sa langit na nuon ay hugis matutulis na batuhang dagat (sea coral bed).

Saka siya nagbayo ng palay. Tuwing angat niya sa pambayo (maja, pestle), tinamaan niya ang langit, na tumaas nang kaunti tuwi na. Pagtagal, napagod siya at lalo niyang pinag-sigasig ang bayo, at lalong lumakas ang hampas ng kanyang pambayo sa langit, na lalong umangat. Pagtama ng isang napaka-lakas na bundol, biglang tumaas nang tuluy-tuloy ang langit.

Walang tigil umakyat ang langit, tangay lahat ng alahas ( jewelry) ng matandang dalaga, hanggang hindi na abot ng tao maliban sa tanaw. Ang tangay na suklay ay naging buwan (luna, moon). Nagkahiwa-hiwalay at kumalat ang butil-butil na kuwintas at naging mga tala (estrellas, stars) na kumikinang tuwing gabi.
NUONG pinaka-unang panahon, nuong wala pang tao sa daigdig, naglipana ang mga limokon, isang uri ng kalapati ( paloma, dove) na malakas at marunong magsalita tulad ng tao bagaman at sila ay anyong ibon. Minsan, isang limokon ay nangitlog - isa sa bukana ng ilog Mayo, at isa sa puno o simula ng ilog ding iyon. Pagkaraan ng panahon, napisa (empollar, hatch) ang 2 itlog at, at sa halip na limokon, ang lumabas ay 2 tao - lalaki sa bukana, at babae sa sibulan, ng ilog Mayo.

Lumaki at matagal na panahon namuhay ang 2 unang tao nang magkahiwalay, at walang malay na ibang tao na buhay maliban sa sarili nila. Lumbay na lumbay sila kapwa, at panay ang hangad na magkaruon sila ng kasama.

Ang lalaki ang unang nawalan ng tiyaga at nagsigasig na maghanap ng kapwa tao dahil isang araw, may pumatid sa kanya habang tumatawid siya sa ilog. Malakas ang patid sa kanya, tumumba siya at muntik nang malunod. Nang maka-ahon siya, natuklas niyang makapal na buhok ang pumatid sa kanya, at ipinasiya niyang hanapin kung kangino nagmula ito.

Malayo ang narating paakyat sa pinagmulan ng ilog Mayo, inusisa ng lalaki ang magkabilang pampang hanggang sa wakas, natagpuan niya ang babae sa sibulan ng ilog. Tuwang-tuwa sila kapwa at nakakita na ng makakasama. Nag-asawa sila at maraming naging anak - mga tao na tinatawag pang Mandaya hanggang ngayon, at namumuhay pa rin sa tuntunin ng ilog Mayo.
NUONG simula ng daigdig, wala pang lupa. Ang dagat lamang at ang langit ang naruruon, at sa pagitan nila ay isang lawin. Walang tigil ang lipad ng lawin at dumating ang isang araw nang napagod siya. Matagal siyang humanap ng malalapagan subalit walang nakita kaya naisip niyang galitin ang dagat.

Sa puot ng dagat, pinaghahagis niya ng tubig ang lawin hanggang umabot sa langit ang taas ng mga alon. Nagimbal naman ang langit at, upang mapahupa ang mga alon, binagsakan ng maraming bato ang dagat. Sa dami ng bato, nagtumpok-tumpok ito at nabuo ang iba’t ibang pulo sa ibabaw ng dagat. Sa wakas, tumigil ang talon ng mga alon.

Inutos ng langit sa lawin na lumapag sa isa sa mga pulo at duon mag-pugad. At huwag nang gambalain ang dagat at ang langit. Mula nuon, tahimik na namuhay ang lawin, at iba pang mga ibon, sa mga pulo sa pagitan ng dagat at langit.

Martes, Hunyo 30, 2009

Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat. Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasingganda ang kalooban ni Buwan. Galit na galit si Buwan. Tapos, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa , nakatuklasan niya na ang kanyang brilyante ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas nagalit si Buwan. Nang nalaman ng Diyos tungkol sa panyayari, inutusan niya ang dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuaso ang dalawang anghel at ibinato nila ang dalawang magkapatid sa dagat. Tapos, ibinato rin nilang paitaas ang dalawang brilyante sa langit. Nadikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwang ay tinatawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.

Ang ibang alamat ay nagpapaliwang bakit ang langit ay mataas.

Noong unang panahon, malapit na malapit ang langit sa lupa. Maaring mahipo iyon. Nakatira ang dalawang magkapatid na lalake sa kanilang mga magulang. Ang mga pangalan nila ay Ingat at Daskol. Walang anak na babae ang mga magulang nila at dahil doon si Daskol ang gumagawa ng mga gawaing-bahay. Pabayang trabahador si Daskol. Kung bumayo siya ng palay ay natatapon ang kalahati sa lupa. Ayaw niya ang trabahong magbumayo ng palay. Isang araw, bumayo si Daskol ng maraming-maraming palay. Tuwi siyang nagtaas ng halo, hinahampas niya ang langit. Tumaas ng tumaas ang langit. Noong matapos siya, naging mataas ang langit na katulad ngayon.