Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panitikan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panitikan. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Nobyembre 28, 2011

Ano ang Tula?

   Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.

   Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan.

   Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa ditto. May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa.

Mga Uri ng Tula:

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ito ay maikli at payak.
      Uri ng Tulang Liriko:
    1. Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.
    2. Soneto – Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
    3. Oda – Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
    4. Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
    5. Dalit – Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.

2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.

      Uri ng Tulang Pasalaysay :
    1. Epiko – Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan. Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na kababalaghan.

    2. Awit at kurido – Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.

    3. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.


3. Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan

4. Tulang Pantanghalan o Padula – Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.

Mga Halimbawa ng Tula:

Pagibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Twina'y Tulang Liwayway ni Dennis Capistrano
Pinatutula Ako ni Dr. Jose Rizal
Sa Kabataang Pilipino ni Dr. jose Rizal
Sa Mahal na Birhen Maria ni Dr. jose Rizal
Isang Alaala ng Aking Bayan Dr. jose Rizal
Ang Ligpit Kong Tahanan Dr. jose Rizal
Kundiman Dr. jose Rizal
Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg Dr. jose Rizal
Awit ng Manlalakbay Dr. jose Rizal
Sa Sanggol na si Jesus Dr. jose Rizal
Ang Awit ni Maria Clara Dr. jose Rizal
Huling PaalamDr. jose Rizal
Ano ang Tanaga?

   Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.

   May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.

Mga Halimbawa ng Tanaga:

Alon

Mistula walang alat
kung humalik ang dagat
sa pampang. Kung yumakap
ay mahigpit, banayad.


Ulan

Nabilanggo sa ulap,
ang tubig ay lumayas
mulang kulungang bulak
ng langit. Nagsitakas!


Dagat

Sa bughaw nitong pusod,
naroon ang nalunod
na alaala. Sugod
sa lalim ng paglimot!


Buwan

Mata ng gabi, bakit
mo pa ba sinisilip
kaming nananaginip?
Di ka ba nangangawit?


Sulyap

Patunay ng pagtingin
ang iyong tingin: Bangin
ang matang mapang-angkin.
Mahulog nang palihim.


Bulong

Malumanay ang tawid
ng salitang sinambit
sa tenga. Iyong bibig:
bukal ng aking kilig.


Ambon

Dampi ng langit, haplos
ng tubig sa alabok
ng alaalang tuyot --
pinapawi ang kirot.


Alaala

Umaalon sa isip,
kahapong iniihip
ng simoy ng pagkapit.
Sakit, nanunumbalik.


Gayuma

Tahak ng tingin, tulak
ng sulyap, yakap, lapat
ng titig sa balikat,
hatak pa, kindat, hatak.


Dalisay

Pinong puso, sa isip
nagkikimkim: Ang nais
ay dungis. Hindi linis,
kundi putik sa kinis!


Wagas

Walang kaso ang piyok
sa harana, ang pusok
sa kanta. Mas marupok
ang puro: Nabubulok.


Unang Halik

Lumanay ng talulot:
Bukadkad ang pag-irog
na marahang humagod
sa labing di malimot.


Pusok

Kumpas ng kilig, kabig
ng bibig ang manalig,
ligalig. Sa gilagid,
ang dila, kumakahig.
Ano ng Kantahing Bayan?


   Mula sa karunungang Bayan ay sumilang ang mga kantahing bayan na inaawit ng ating mga ninuno sa saliw ng mga makalumang instrumento. Ang mga ito ay nagpapahayag ng damdamin, pamumuhay, karanasan, pananampalataya, kaugalian at hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang lugar.

Mga Halimbawa ng Kantahing Bayan:
    1. Soliranin (rowing songs)
    2. Talindaw (boat songs)
    3. Diona (nuptial or courtship songs)
    4. Oyayi o Uyayi (lullaby)
    5. Dalit (hymns)
    6. Kumintang (war or battle songs)
    7. Sambotani (victory songs)
    8. Kundiman (love songs)

Biyernes, Nobyembre 25, 2011

Ano ang Bugtong?

  Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

  Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.


Mga Halimbawa ng Bugtong:
    1. Bugtong : Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.
      Sagot: Buwan

    2. Bugtong :Nagtago si Pedro, labas ang ulo.
      Sagot : Pako

    3. Bugtong :Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
      Sagot : Atis

    4. Bugtong :Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona
      Sagot : Bayabas

    5. Bugtong :Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
      Sagot : Saging

    6. Bugtong :Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
      Sagot : Kasoy

    7. Bugtong :May langit, may lupa, May tubig, walang isda.
      Sagot : Niyog

    8. Bugtong: Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob.
      Sagot : Alkansiya

    9. Bugtong: Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
      Sagot : Anino

    10. Bugtong: Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba.
      Sagot: Bahaghari

    11. Bugtong: Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
      Sagot: Banig

    12. Bugtong: Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila.
      Sagot: Bituin

Ano ang Epiko?

   Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

   Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.

Katangiang Pampanitikan:
   Ang mga epiko ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluranin na epiko.

Ang ilang katangian ng ibang epiko ay:
  • ang paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
  • mga inuulit na salita o parirala
  • mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
  • kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang-araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp).
  • kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.

Kahalagahan sa kultura

Ano ang ipinapakita ng epiko ng sinaunang kultura?

Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa at tema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipapakita ng epiko ang kultura ng isang grupo ng tao.

  • Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema
  • katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani
  • mga supernatural na gawa ng bayani
  • pag-ibig at romansa
  • panliligaw – pag-aasawa – pagbubuntis – mga yugto ng buhay
  • kamatayan at pagkabuhay
  • pakikipaglaban at kagitingan ng bayani
  • kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging
  • mga ritwal at kaugalian
  • ugnayan ng magkakapamilya
Ang Lalaking BayaniSa pagbabasa ng mga epiko, agad na makikita ang mga katangian ng isang bayani. Karamihan sa kanyang mga katangian ay maiuuri sa alin man sa sumusunod: pisikal, sosyal, at supernatural. Maaari ring isama ang kanyang intelektwal at moral na katangian. Ang Pangunahing Babaeng KarakterAng pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang babaeng iniibig ng bayani o maaari rin namang tinutukoy dito ang kanyang ina.
Ano ang Korido?

Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, na nakuha natin mula sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat taludtod at may apat na taludtod sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.

Awit (sadyang para awitin) Korido (sadyang para basahin)

1.Sukat ng Awit: tig-12 pantig ang bawat taludtod / Sukat ng Korido: tig-8 pantig ang bawat taludtod
2.Himig ng Awit: mabagal, banayad o andante kung tawagin / Himig ng Korido: mabilis o allegro.
3.Pagkamakatotohanan ng Awit: ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaring maganap sa tunay na buhay/ Pagkamatotohanan ng Korido: ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay di maaring maganap sa tunay na buhay.

Halimbawa ng Korido:
    • Ibong Adarna
    • Prinsipe Orentis ni Jose Dela Cruz
    • Rodrigo de Villa ni Jose dela Cruz
    • Doña Ines ni Ananias Zorilla
    • Don Juan Tiñoso at Ang Haring Patay
Halimbawa ng Awit
    • Florante at Laura ni Francisco Balagtas
    • Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona
    • Doce Pares na kaharian ng Francia ni Jose Dela Cruz
    • Salita at Buhay ni Mariang Alimango
    • Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana
Ano ang Kasabihan?


   Ang kasabihan ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Ito ay ipinasa sa atin ng ating mga ninuno, ang kasabihan ay nagbibigay ng paalala at mabutiing aral sa atin.


Ano ang kaibahan ng salawikain at kasabihan?
   Ang kasabihan ay mga aral sa buhay na isinusulat sa paraang ginagamit sa pang araw araw na usapan. Ang salawikain ay katumbas din ng kasabihan subalit isinusulat ito sa paraang patula o poetic.


   Marami tayong kasabihan sa buhay. ito'y mapa-tungkol sa pamilya, pera, negosyo, pag-ibig, at kung saan-saan pa. ang anyo nito ay pwedeng derechong kasabihan, o tipong pag-iisipin ka o magsasaliksik kung anong ibig sabihin. siguro sa lahat ng mga kasabihan sa talambuhay natin, iisa lang ang laging hindi binibigyang pansin o kaya'y binabale wala nalang. at ito ay:

"kung wala kang sasabihing maganda tungkol sa (ugali, anyo, pagkilos, paraan, pag-iisip) ng iyong (ka-pamilya, kapitbahay, kamag-anak, ka-trabaho, kaibigan), ay manahimik ka nalang."

   Ngayon ay marami ng bagong kasabihan na nagbibigay aral sa ating mga kabataan. Narito ang mga halimbawa ng makabagong kasabihan.
    • Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat.
    • Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
    • Ang pagsintang labis na makapangyarihan, pag ikaw ay pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang
    • lahat masunod ka lamang.
    • Walang matimtimang birhen, sa matiyagang manalangin.
    • Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
    • Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.
    • Mabisa ang pakiusap na malumanay, kaysa utos na pabulyaw.
    • Ang magtahi-tahi ng hindi tutoong kuwento, mabubuko rin sa bandang dulo.
    • Ang masipag sa buhay, umaani ng tagumpay.
    • Walang lihim na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.
    • Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang
    • Huwag mong hatulan ang isang aklat, sa pamamagitan ng kanyang pabalat.
    • Walang tunay na kalayaan, kung nabubuhay sa kahirapan.
    • Ang talagang matapang, nag-iisip muna bago lumaban.
    • Titingkad ang iyong kagandahan, kung maganda rin ang iyong kalooban.

Huwebes, Nobyembre 24, 2011

Ano ang Sawikain?

Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

Mga Halimbawa Ng Iba't ibang Sawikain:

ahas----taksil --- traidor
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.

anak-dalita ---mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

alilang-kanin --- utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."

balitang-kutsero -- balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.

balik-harap --- mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.

Bantay-salakay --- taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

basa ang papel --- bistado na
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina.

buwaya sa katihan --- ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?

bukal sa loob --- taos puso tapat
Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.

busilak ang puso ---malinis ang kalooban
Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu.

di madapuang langaw---maganda ang bihis
Halimbawa:
Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.

di makabasag-pinggan---mahinhin
Halimbawa:
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.

hampaslupa---lagalag, busabos
Halimbawa:
Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.

haligi ng tahanan---ama ilaw na tahanan---ina
Halimbawa:
Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat natin igalang. Ang ina naman, ay itinuturing na ilaw ng tahanan, ay dapat nating mahalin.

isang kahig, isangtuka---kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan
Halimbawa:
Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.

itaga sa bato---tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.

itim na tupa---masamang anak
Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.

kalapating mababa ang lipad---babaing nagbibili ng aliw, babaing puta
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.

kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.

kapit-tuko---mahigpit ang hawak
Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara.

kidlat sa bilis---napakabilis
Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.

kilos-pagong---makupad,mabagal
Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.

luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong pananangis
Halimbawa:
Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng mayaman ngunit masakitin niyang bana. Iyan ay luha ng buwaya.

(Ang "bana" ay salitang Cebuano na ginagamit na ngayon sa Wikang Filipino na ibig sabihin ay "mister o asawang lalaki")

Mahangin ang ulo----mayabang
Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.

matalas ang ulo---matalino
Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.

mahina ang loob---duwag
Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.

malakas ang loob---matapang
Halimbawa:
Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip.

makapal ang bulsa---mapera
Halimbawa:
Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.

makapal ang palad---masipag
Halimbawa:
Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo.

magdilang-anghel---magkatotoo sana
Halimbawa:
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana.

pagputi ng uwak---walang maaasahan, walang kahihinatnan
Halimbawa:
Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.

pagiisang dibdib---kasal
Halimbawa:
Ang pag-iisang dibdib nina Adila t Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon.

pusong-bakal---hindi marunong magpatawad
Halimbawa:
Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?

tinik sa lalamunan---hadlang sa layunin
Halimbawa:
Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko.

tulak ng bibig---salita lamang, di tunay sa loob
Halimbawa:
Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.

bungang-tulog---panaginip

maamong kordero---mabait na tao
Halimbawa:
Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro.

butas ang bulsa---walang pera

mababaw ang luha---iyakin
Halimbawa:
Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay iniiyakan.

kabiyak ng dibdib---asawa

mabigat ang dugo---di-makagiliwan
Halimbawa:
Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na isang probinsiyana.

maaliwalas ang mukha---masayahin,taong palangiti

maitim ang budhi---tuso, masama ang ugali
Halimbawa:
Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng sampung taon.

mahabang dulang---kasalan

malikot ang kamay---kumukuha ng hindi kanya kawatan
Halimbawa:
Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.

namamangka sa dalawang ilog---salawahan

makitid ang isip---mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman
Halimbawa:
Mahirap makipagtalo sa taong makitid ang isip. Walang mararating ang anumang katwiran mo.

nagbibilang ng poste---walang trabaho

malawak ang isip---madaling umunawa, maraming nalalaman
Halimbawa:
Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami kang malalaman.

nakahiga sa salapi---mayaman

mapurol ang utak---bobo
Halimbawa:
Talaga yatang mapurol ang itak ng aking pamangkin. Natapos niya ang elementarya sa loob ng siyam na taon.

nagmumurang kamatis---matandang lalaking nag-aayos binata,matandang babae nag-aayos dalaga

masama ang loob---nagdaramdam
Halimbawa:
Halatang masama ang loon ni Miss Gan dahil hindi siya nasali sa mga nabigyan ng parangal.

naniningalang-pugad---nanliligaw

matalas ang tainga---madaling makarinig o makaulinig
Halimbawa:
Matalas ng tainga ng aking ama kahit na siya ay 93 taong gulang na.

sira ang tuktok---gago, luko-luko
Halimbawa:
Sira ng tuk-tok ng taong iyon, kanina pa sayaw nang sayaw sa tabi ng daan.

takaw-tulog---mahilig matulog
Halimbawa:
Paano kang aasenso sa trabaho mo gwardiya kung ganyang lagi kang takaw-tulog?
Ano ang Salawikain?

Ang Salawikain o kasabihan ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. nagtataglay ng mga pangaral at karunungan sa pamamagitan ng mga salitang may tugma at sukat. Ito ay ginagamit noong sinauna, maging sa kasalukuyang panahon upang magpayo, gumabay at magturo ng mabubuting asal.


Paggamit:
Nilalarawan din ang mga salawikain bilang mga palamuti sa wika, mga pananalita ng mga ninunong naisalin ng isang salinlahi sa pangkasulukuyang mamamayan, at bilang karunungang natutunan mula sa karanasan, na nakapagsasaad ng damdamin, paglalahad, o opinyon. Bukod pa rito, nagagamit din ang mga salawikain para hindi masaktan ang damdamin ng ibang mga tao. Isang halimbawa nito ang katagang: "Bato-bato sa langit, pag tinamaan huwag magagalit." Sa pamamagitan ng pagsipi ng tama at napapanahong salawikain, maaaring ilahad ng isang tao ang awa, paglalagay niya ng sarili sa katauhan ng ibang tao.

Narito ang ilan sa halimbawa ng mga salawikain at ilan na may paliwanag.

Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan.

Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.

Salawikain: Pag maliit ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.

Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.

Salawikain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.

Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.
Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa iyong biyenan.
Kahulugan: Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.

Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.
Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin ng mga taong tinulungan mo.


Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.
    • Puri sa harap, sa likod paglibak
    • Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron
    • Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan
    • Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya
    • Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila
    • Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan
    • Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare
    • Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo
    • Ang taong tamad, kadalasa'y salat
    • Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot
    • May pakpak ang balita, may tainga ang lupa
    • Sagana sa puri, dukha sa sarili
Mga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag-ingat.
    • Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
    • Ang magandang asal ay kaban ng yaman
    • Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat
    • Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan
    • Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila
    • Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon
    • Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
    • Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising
    • Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili
    • Ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim
Mga salawikain patungkol sa mga pangako at ka kawalan ng kaya.
    • Buhay-alamang, paglukso ay patay
    • Kasama sa gayak, di kasama sa lakad
    • Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak
    • Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili
    • Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat
    • Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili
Mga salawikain patungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan.
    • Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa
    • Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis
    • Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan
    • Ang lakas ay daig ng paraan
    • Minsan man at kong golpe, daig ang pitong biyahe
    • Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran
Mga salawikain patungkol sa kagitingan at katapangan.
    • Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan
    • Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang
    • Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan
    • Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang
    • Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi
    • Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan
    • Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan
Mga salawikain patungkol sa pagtitiis.
    • Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot
    • Pag may hirap, may ginhawa
    • Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha
    • Pag may kalungkutan, may kasiyahan
    • Kung aakyat ka nga't mahuhulog naman, mabuting sa lupa'y mamulot na lamang
    • Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag
Iba pang salawikain...
    • Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.
    • Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.
    • Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
    • Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
    • Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
    • Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
    • Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
    • Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.
    • Pag di ukol, ay di bubukol.
    • Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
    • Daig ng maagap ang taong masipag.
    • Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.
    • Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
Ano ang Kwentong Bayan?

   Ang kuwentong-bayan(folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

   Ito ay isang anyo ng panitikan na pampalipas oras at kadalasa'y ikinukwento sa mga bata upang kapulutan ng aral. At ang kadalasang paksa ay mga bagay na nakapaninindig-balahibo tulad ng tungkol sa mga aswang, maligno, kapre, mga sirena at nuno sa punso.


Mga Halimbawa ng Kwentong Bayan:

Si Malakas Si Maganda at ang Pagdami ng Tao
Gintong Bata sa Puting Kalabasa
Saan Nanggaling Ang Unang Matsing
Ang Pinagmulan ng Daigdig
Si Lalaki at Si Babae
Kung Paano Nilikha Ang Daigdig
Ang Sibulan sa Bundok Apo
Ang Mga Anak ni Limocon
Nilikha ni Luwawig Ang Mga tao
Naging Bituin si Magbangal
Alamat ni Aliguyon
Ibalon: Panahon ng talong Bayani sa Bicol
Ang Kataksilan ni Sinogo
Bakit Tumataas Ang Dagat Kapag Bilog Ang Buwan
Biyaya ni Kadaklan sa Mga Tao
Ang Ulirang Anak, 7 Mandirigma at Ang Dambuhala
Ang Unang Puno ng Niyog
Si Mangita Si Larina sa Lawa ng Bai
Ang Hiwaga ni Maria Makiling
Si Alelu'k at Si Alebu'tud
Ang Masipag at Ang Ingit
Isang Asawa, Dalawang Babae at Ang Mangkukulam
Baha: Ang Paglunod Sa Daigdig
Ano ang Balita?

Ang balita ay katulad ng isang kwentong talambuhay na naglalarawan sa ating kalagayan, ito ay maaring maisulat sa mga pahagayan o kaya ay mapapanood sa telebisyon at mapakikinggan naman ito sa radyo.


Balitang Panlokal - tumatalakay sa mahahlagang pangyayaring naganap lamang sa isang tiyak na bahagi ng bansa.
Balitang Pambansa - tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa buong bansa
Balitang Pandaigdig - tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa iba't ibang bansa sa daigdig

Bahagi ng balita:
    1. Pang-edukasyon
    2. Pampulitika
    3. Pampalakasan
    4. Pantahanan
    5. Pangkabuhayan
    6. Panlibangan
    7. Pangkapaligiran

Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

Ano ang Talumpati?


   Ang talumpati ay isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

   May dalawang uri ng talumpati: Ang talumpating may paghahanda at Ang talumpating walang paghahanda

Mga Bahagi ng Talumpati:
   Ang isang talumpati ay binubuo ng tatlong bahagi. Ang panimula (beginning), katawan (body) at ang konklusyon (conclusion). Dahil ang pangunahing layunin ng isang talumpati ay gumawa o kumbinsihin ang mga tagapakinig sa bahagi ng speaker

Paraan ng Pagtatalumpati:
   May tatlong mga paraan kung saan maaari mong maghatid ng isang talumpati. Ang una ay sa pamamagitan ng pagbabasa, Ang ikalawang ay sa pamamagitan ng pgsasaulo nito at ang third ay sa pamamagitan ng paggamit ng ng isang balangkas.

Iba't ibang mga uri ng Talumpati:
May 7 iba't-ibang uri ng talumpati, katulad ng:
    1. Nagbibigay Impormasyon (Informative)
    2. Nagbibigay Aliw (Entertaining)
    3. Nagbibigay Papuri (Praising)
    4. Nagdaragdag Kaalaman (Educational)
    5. Nagbibigay Galang (Giving Honor or Tribute)
    6. Nagbibigay Sigla (Boosting Morale)
    7. Nanghihikayat (Challenging or Calling to Action)


Mga Halimbawa ng Talumpati:
Wikang Pambansa
Kabataan: Isang Pagtatanong
I Am a Filipino
Ang Kabataan Noon at Ngayon
Ano ang Talambuhay?

   Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.


Mga uri ng talambuhay:
    Uri ng talambuhay ayon sa paksa at may-akda:
    1. Talambuhay na pang-iba - isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na isinulat ng ibang tao.
    2. Talambuhay na Pansarili - isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may akda.
    3. Talambuhay Pangkayo - isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang hayop na naging sikat sa isang bansa, lalawigan, bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga tao dahil sa angking galing ng mga ito.
    Uri ng talambuhay ayon sa nilalaman:
    1. Talambuhay na Karaniwan - isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama rito ang detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga naging tungkulin, mga nagawa, at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa kanya.
    2. Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad - hindi gaanong binibigyan-diin dito ang mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip ay binibigyang-pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung paano nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan....
   Isang mapagmahal na pamilya ang nakatira sa isang bundok. Ang ama’y magsasaka samantalang mabuting may-bahay ang ina. Isang lalake ang anak ng mag-irog na naninirahan sa bundok. Pitong na taon na ngayon ang kanilang anak.

   Nang minsang bumaba sa bukid ang ama ay isinama niya ang kanyang anak upang makatulong kahit papaano at nang malibang na rin. Dala rin nila ang kalabaw na siyang mag-aararo sa lupang tatamnan. May kalayuan ang pinag-aanihang bukid ng ama. Kinakailangang dumaan ng apat na baryo bago marating ang bukid.

   Masayang-masaya ang batang lalake habang tinutulungan ang kanyang ama sa pagtatrabaho sa bukid. Nanghuhuli rin siya ng maliliit na langgam at ng luntiang tipaklong sa pagkakataong nag-aararo ang ama. Maligaya naman ang ama habang pinagmamasdan ang kanyang anak.

   Magdidilim na at pagod na ang ama. Tumigil na rin ang kalabaw sa paggawa dahil sampung kwadro na ang binungkal nito. Kaya naisipan na ng ama na umuwi at niyaya na nga ang anak.

   Habang sila’y naglalakad patungo sa bundok na kanilang tinitirhan ay napadaan sila sa isang baryo. Hapung-hapo ang ama kaya naisip ng anak na ang ama na lang ang ipasakay sa kalabaw sa halip na siya. Hawak ng bata ang lubid na nakatali sa kalabaw na kinasasakyan ng ama. Napansin nilang nag-uusap ang ilang ale sa isang banda ng baryo. Narinig na lamang nila: “Hay naku, anong klase ama ‘yan? Kabata-bata ng anak inaalila nang ganyan. At siya, komportableng nakasakay sa kalabaw.”

   Napahiya ang ama sa kanyang narinig. Kaya bago tumawid sa sunod na baryo ay bumaba na ito at ibinuhat ang anak pasakay sa kalabaw. Hapung-hapo sa paglalakad ang ama habang hawak ang lubid ng kalabaw. Ngunit nakarinig na naman sila ng mga komento mula sa mga tagabaryo. “Ano ba naman iyang batang ‘yan? Nakita na ngang pagud na pagod ang ama sa pag-aaro nang buong araw sa bukid hinayaan pa ang ama na maglakad. Napakawalang utang na loob sa amang kumakayod para sa pamilya.” Kaya bago tumungo sa ikatlong baryo ay ibinaba ng ama ang anak.

   Magkahawak kamay ang mag-ama habang naglalakad kasama ang kalabaw. Nang maabot ang ikatlong baryo, nanghina ang mag-ama sa narinig mula sa isang tagaroon: “Katangahan naman ang ibinigay sa mag-amang ito. Ang layo ng bukid na pinanggalin. Pagod pa sa paggawa roon. Naglakad. Hindi man lamang naisip sakyan ang kalabaw. Ano pa ang silbi nito? Tsik...tsik...” Sumakay sa kalabaw ang dalawa. Sakay sila ng kalabaw hanggang maabot ang ikaapat at panghuling baryo.

   “Kawawa naman ang kalabaw. Maghapong nag-araro sa bukid, napapagod din ‘yan. Siguro kung nakapagsasalita lamang ang kalabaw na iyan siguradong magrereklamo na ‘yan. Itong mag-ama, napakalupit! Wala man lang konsiderasyon sa kalagayan ng hayop. Kahit hayop, napapagod at may pakiramdam din.” Narinig na lamang nilang sabi ng isang lalake habang lumalagok ng tuba sa tindahang nadaanan.

Nang makarating ng bahay, hindi maintidihan ng babae sa itsura ng kanyang mag-ama.
Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay “nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.

Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.

Uri ng Sanaysay:
  • Pormal – sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masususing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa; inaakay ng manunulat ang mambabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos

  • Di-Pormal – sanaysay na tumatalakay ng mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal; binibigyang-diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa
Sangkap ng Sanaysay:
  • Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi
  • Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay
  • Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag
Bahagi ng Sanaysay:
  • Panimula – ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda
  • Katawan – sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa
  • Wakas – nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay
Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay:
  • May malawak na kaalaman o karanasan sa paksa
  • Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa
  • Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya
  • Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa
  • May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa
Ano ang Dula?

   Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

   Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

   Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Ang dula ay mayroon ding sangkap.Ito ay simula, gitna, at wakas.

Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

Sangkap ng dula:
  • Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
  • Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
  • Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
  • Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
  • Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
  • Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
  • Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
  • Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

Elemento ng Dula:
  • Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
  • Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula
  • Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
  • Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
  • Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood


Eksena at tagpo:

   Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

Martes, Nobyembre 22, 2011

Ano ang Maikling Kwento?

   Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

Paglalarawan:
   Bilang isang masining na panitikan,naglalahad ng isang pangyayari ang maikling kuwento. Hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita.

Layunin:
   Bilang anyo ng panitikan, may layunin itong magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay sa pangunahing tauhan, at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Isa pa rin sa mga pangunahing layunin nito ang manlibang. Isa itong uri ng panitikan na nag-iiwan ng mga aral at kaisipan sa mambabasa.

Kayarian:
   Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

Mga Elemento:

  •  Panimula - Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
  • Saglit na Kasiglahan - Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa problema.
  • Suliranin - Problemang haharapin ng tauhan.
  • Tunggalian - May apat na uri: tao vs. tao, tao vs. sarili, tao vs. lipunan, tao vs. kapaligiran o kalikasan.
  • Kasukdulan - Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
  • Kakalasan - Tulay sa wakas.
  • Wakas - Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
  • Tagpuan - nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
  • Paksang Diwa - pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
  • kaisipan - mensahe ng kwento.
  • Banghay -pangyayari sa kwento.
Mga uri: May siyam na uri ng maikling kuwento
  • Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
  • Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
  • Sa kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
  • Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
  • Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
  • Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
  • Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
  • Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.
  • Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.
Mga Bahagi: Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento

  Simula Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

  Gitna    Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

  Wakas    Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

   Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.
Ano ang Parabula?

   Ang Talinghaga, Talinhaga, o Parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.

  Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.

  Ang salitang parabula ay buhat sa salitang Griyego na parabole. Ito'y matandang salita na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin.

  Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng din ang kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay.

  Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan; ang binibigyan ng dim ay aral sa kuwento.

Mga Halimbawa ng Parabula:

Ang Parabula ng Gutom na Aso
Ang Parabula ng Gutom na Utak
Ang Parabula ng Asarol
Ang Parabula ng Dalawang Monghe
Ang Parabula ng Pariseo at Ang Kolektor
Ang Parabula ng Nawawalang Anak
Ito ay parabula ni Buddha na ginagamit niya sa kaniyang pangangaral.

Mayroong isang dakilang hari na mapang-api sa kaniyang sinasakupan. Dahil doon ay kinasusuklaman siya ng mga tao.

Nang mabalitaan niyang nasa kaniyang kaharian ang isang Banal na Tao, pinuntahan niya ito at humingi ng aral upang magamit niya ang kaniyang pag-iisip sa makakabuti lalo sa kaniya.

Ang Banal na Tao ay nagsabi: Ikukuwento ko saiyo ang parabula ng gutom na aso.


Mayroong isang malupit na mapang-alipin na n hari kaya ang diyos na si Indra ay nagbalatkayong isang
mangangaso.
Kasama niya ang Demonyong si Matali na nag-anyong napakalaking aso, sila ay bumaba sa lupa. Pagpasok nila sa palasyo ay umatungal nang napakalungkot kung kaya ang mga
gusali ay nayanig ang kailaliman nito. Ang malupit na hari ay nag-utos na dalhin ang mangangaso sa kaniyang harapan at tinanong ang dahilan ng pag-aalulong ng aso.

Sabi ng mangangaso, "Ang aso ay gutom ". Kaya dali-daling nag-utos ang hari na kumuha ng pagkain. Pagkatapos ubusin ang hinandang pagkain, umalulong ulit ang aso. Nag-utos ulit na magdala ng pagkain ang hari para sa aso hanggang maubos ang kanilang inimbak na pagkain, hindi pa rin huminto ang aso sa kaaalulong. Naging desperado ang hari. Siya ay nagtanong, "Walang makakabusog sa asong iyan?" "Wala", sagot ng mangangaso. "Maliban siguro kung ipapakain ang balat ng kaniyang mga kaaway. "At sino ang mga kaaway niya ?" urirat ng hari.

Sumagot ang mangangaso: Ang aso ay atuloy na aalulong hanggang may naguguton na tao sa kaharian at ang kaniyang mga kaaway any ang mga malulupit na umaapi sa mahihirap.
Ang hari na tinutukoy ng Mangangaso ay naalala ang kaniyang masasamang gawi at siya ay nagtika at sa unang pagkakataon ay nalinig siya sa pangaral ng kabutihan.

Nang tapos na ang kuwento, pinagsabihan ng Banal na Tao ang hari na namutla sa takot :
"Ang Tathagat ay mapapadali ang pandinig ng mga may kapangyarihan at ikaw dakilang hari kapag narinig mo ang pagtahol ng aso, isipin mo ang mga Turo ni Buddha at tatahimik ang Aso.
May isang propesor na nakipagkita sa isang Ginagalang na Pinunong Zen. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng Zen. Ang Pinuno ay matahimik na nagbbuhos ng tsaa sa isang tasa. Puno na ang tasa subali't patuloy pa rin ang kaniyang pagbuhos.

Ang propesor ay hindi nakatiis at tinanong kung bakit patuloy pa rin ang kaniyang pagbuhos kahit puno na ang tasa.


"Ibig kong ipakita saiyo," sagot ng inunong Zen," na katulad din yan nang iyong nasang maunawaan kung anong ibig sabihin ng Zen habang ang iyong utak ay puno". Kailangang
alisin mo muna ang iyong pinaniwalaan tungkol sa Zen bago mo unawain kung ano talaga ang Zen."