Martes, Hunyo 30, 2009

Noong unang panahon ang mga hayop daw ay nakapagsasalita. Minsan si Bathala'y tumawag ng pangkalaahaatang pulong upangpag-usapan kung paano mapangingilaga ng mga hayyop ang walang tuos na pagpuksa sa kanila ng mga tao. Ang pulong ay ginanap s alibis ng isang bunddok.

Ang lahat ng mga hayop ay nagsidalo subali't ang a;litaptap, kabag, lamok, pagong, at gamugamo ay nangahuli. Sila ay isa-isang ipinatawag ni Bathala.

"Bakit ka nahuli?" ang usig ni Bathala."Pagbutihin mo ang sagot upang ako'y masiyahan."

"Ako po," ang simula ng alitaaaaptaap, ay kahapon pa naglalakad. Totoo pong malayo ang aking taahanan na nasa Ikapitong Bundok. Kayo nap o ang bahalang magpaumanhin. Sa gabi po'y makalipad pagka't madilim. Wala akong ilaw."

"Mula ngayo'y ikakabit ko sa katawan mo ang munting parolupang maging tanglaw mo."

Ang kabag naman ang sinulit, "Bakitka nahuli?"

"Ako po'y nahuli pagka't ako'y walang pakpak. Nananaghili po ako sa mga ibon."

"Bibigyan kita ng pakpak," ang mahinaahong sagot ni Bathala. "Alam kong lubha kang mapagnaghiliin. Ang parusa ko sa iyo ay ito - maaari kang lumipad nguni't sa gabi lamang. Sa araw ay di ka makakakita."

"Ang lamok ay dagling humarap kay Bathala. Siya ay lumuluhang nagsalysaay, "Patawarin ninyo po aako. Nangangamba akong dahil sa aking kaliitan, ako'y hamakin ng aking mga kasaaama. Sadya po akong nagpahuli.

"Ah, gayon ba?" ang sagot no Bathala. " Upang maipagsanggalang mo ang iyong sarili kahit ka maliit ay bibigyaan kita ng mabuting kasangkapan. Sa pamamagitan nitong tukang tila karayom ay masissigid mo ang sinuman at tuloy masisisip ang kanyang dugo."

"Marami pong salamat, Bathala dakila."

"Doon po sa aming nayon," ang sumbong ng pagong, "ay kayraming magnanaakaw. Malingat lamang ng kaunti ang iyong paningin ay wala na kayong ari-arian sa loob ng inyong tahanan. Akin po munang hinakot at inihabilin sa aking kumara ang lahat ng kasangkapan ko."

"Mula ngayon, sa paglakad mo ay lagi mong dadalhin ang iyong bahay."

Ang kahuli-huling tinawag ay ang bayawak. "Ano naman ang dahilan mo ngayon? Mainam kang magtahi-tahi ng salita."

"Bathala, sa akin pong pagparito ay aking inanyayahan si gamugamo. Nguni't napakabagal po niya at takot sa dala kong ilaw."

"Takot sa ilaw! Sabihin mo'y ang gamugamo'y nagpapakamatay sa liwanag. Magtigil ka nga! Sinungaling ka! Masdan mo dalawa ngayon ang iyong dila!"

Ang pulong ay natapos kaya't ang lahat ay nagsiuwi sa kani-kanilang tahanan na dala ang pinagkaloob sa kanila ni Bathala.
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-
hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit
keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng
dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng
gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito
kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.
Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisap lamang. Ang mga kulisap na iyon ay walang dala-dalang apoy. Nguni't ito ring mga kulisap na ito ang tinatawag natin ngayong ALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap?

Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang mga kulisap noong unang panahon ay gabi lamang kung lumipad. Naguni't ayaw na ayaw nila ng mga gabing madilim. Ang ibig nila ay mga gabing maliwanag ang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga damo. Nagtatago sila sa mga dahon at sa mga bulaklak. Sila ay takut na takot. Bakit kaya?

Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang mga kulisap na iyon. Nakakita sila ng isang punong sampaguita. Ang ilan sa kanila ay nagkubli sa nga bukong bulaklak nito. Mayroon namang nagkubli sa mga talulot.

"Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago? Bakit ba kayo takot na takot? Kayo ba ay natatakot sa dilim?"

"Hindi kami sa dilim natatakot," ang sagot ng isang kulisap.

"At saan?" ang tanong ng sampaguita.

"Sa mga kabag-kabag," ang sagot ng maraming kulisap.

"Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita. "Inaano b akayo ng mga kabag-kabag?"

"Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila ay hinuhuli kami at iyon na ang katapusan ng aming buhay."

"Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng sampaguita.

"Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya kami ay pakaunti nang pakaunti."

"Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa naman kayo."

"Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap.

"Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking puno?" ang tanong ng sampaguita.

"Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag," ang sagot ng isang kulisap.

"Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng isang kulisap.

"Sila ay nasisilaw sa liwanag," ang dugtong pang uli ng isang kulisap.

"Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita. "Tuturuan ko kayo kung ano and dapat ninyong gawin."

"Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ng bawa't kulisap.

"Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ng sampaguita. "Pagkatapos ay magsabay-sabay kayong lumabas. Matatakot sila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan."

"Oo nga, siya nga," ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap.

"Mabuti nga, ano?" ang sabi pa rin ng ibang kulisap.

Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa't isa sa kanila ay nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para silang alipatong lumilipad. Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag.

Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita.

"Salamat sa iyo, Sampaguita. Kami ngayon ay malaya na."

Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim ang gabi nagdadala sila ng apoy. Ang mga kulisap na iyon din ang tinatawag ngayong "ALITAPTAP."
Noong bata pa ang panahon at di pa dumaraong sa ating dalampasigan ang mga Kastila, may isang makapangyarihang sultang namuno sa isang pinakamalaking kaharian sa Lu-sung. Siya ay kinatatakutan ng kanyang mga sakop dahil sa kanyang kalupitan at kaimbihan ng kanyang mga kawal. Siya ay si Raha Sibasib.

Kung gaano kabuhong ang raha gayon naman ang ganda ng anak nitong prinsesa. Bukod sa gandang panloob ay maganda rin ang ugali.Siya ay si Prinsesa Liwayway. Maraming mga Prinsipe, Datu at Sultan sa iba't ibang kaharian ang nagsasadya sa ama upang hingin ang kanyang kamay.

Noon si Prinsesa Liwayway ay hindi na Malaya sapgka't ang kanyang puso ay nakatali na sa pangangalaga ng isang mangangaso si Matapang. Siya ay dalita. Ang kanyang tirahan ay isang maliit na dampa sa paanan ng bundok. Siya ay dalubhasa sa paggamit ng pana at busog. Kahit ibong lumilipad sa pawiwirin ay kanyang napaptamaan ng pana sa isang binit lamang.

Sapagka't si Matapang ay isa lamang alipin hindi siya makatuntong sa loob ng palasyo. Ang magkasintahan ay panakaw na nagtatagpo sa mga liblib na pook. Oras na malaman ng Sultan ang kanilang pag-iibigan iya'y nangangahulugan ng pagtagpas sa ulo ng binata.

Ang napili ng Sultan upang pakasalan ni Prinsesa Liwayway ay anak ni Sultan Mataas na ang kaharian ay karatig ng kay Sibasib hindi nakursunadahan ni Liwayway ang lalaki pagka't lagpas na sa gulang at pangit. Hindi napagbago ang pagtatangi ni Liwayway kay Matapang bagaman ang binata'y kinasusuklaman ng ama.

Nang ang magkasintahan ay nagtagpo sa pugad ng aliw, sila'y namtaan ng tagasubaybay ng Sultan. Isinumbong nito sa Sultan ang nakita upang siya'y mapuri sa kanyang paglilingkod. Nang malaman ito ni Sultan Sibasib ay ipinatawag niya ang Prinsesa.

"Tunay nga bang kinakatagpo mo si Matapang, ang dukhang mangangaso ng kabundukan?" tanong ng ama.

"Opo, amang Sultan," sagot ni Liwayway. "Kami po'y nag-iibigan."

Walang pagsidlan ng galit ang Sultan. "Wala kang turing!" ang sigaw. "Ikaw ay Prinsesa, isang dugong mahal at anak ng pinakamakapangyarihang Sultan. Ipagkakaloob mo ba ang iyong pagmamahal sa isang alipin? Hindi ba sinabi ko sa iyo na ikaw ay akin nang naipagkasundo sa anak ni Raha Mataas? Ikaw ay ipakakasal ko sa kanya sa darating na kabilugan ng buwan!"

"Subalit Ama ko," ang daing ng Prinsesa. "Ang anak ni Raha Mataas ay napakatanda para sa akin.Siya'y para ko nang ama! Siya'y hindi ko iniibig!"

"Magtigil ka, Liwayway. Hindi mo na muli pang makikita ang lalaking iyan," at dagling ipinatawag ng Sultan si Atungal ang pinakamabangis na kawal na tribo.

"Atungal," ang sigaw na pautos, "dalhin mo sa dampa ni Matapang ang iyong mga kaaway. Iligpit mo ang binatang iyon. Patayin mo na parang aso ! Ipakita mo sa akin ang kanyang ulo. Kayo'y aking gagantimpalaan. Kung hindi madala rito ang kanyang ulo ang inyong mga ulo ang kapalit!"

Dumating sa kaalaman ni Liwayway. Palihim na pinuntahan ng Prinsesa si Matapang upang sagipin siya sa panganib.

Nang dumating doon ang Prinsesa si Matapang ay naghuhukay ng mga lamang-ugat sa tabi ng batis. May luhang isinalaysay ng dalaga sa binata ang napipinhtong panganib.Batid nilang dalawa kung ano ang kahahantungan ng bababla.

"Mabuting ikaw ay umalis. Lisanin mo ang lugal na ito!" ang pakiusap ni Liwayway. "Magtago ka sa gubat. Maya maya'y narito na si Atungal at ang kanyang mga kawal. Magmadali hangga't may panahon!"

Subali't si Matapang ay ayaw umalis kahit anong gawin pag-ulok ng Prinsesa. Samantalang hinihintay ang pagdating ni Atungal, ang ginwa ni Matapang ay dinukot ang singsing sa kanyang bulsa. Ang singsing na ito'y ibinigay sa kanya ng isang matandang babaeng kanyang iniligtas sa makamandag na ahas sa kagubatan. Nang ipagkaloob ang singsing kay Matapang ang Matanda ay nagtagulilin ng ganito:

"Para sa iyong pusong ginto ang pagkamatulungin, ibinibigay ko ang singsing na ito iya'y makatutulong sa iyo sa mga sandali ng pangangailangan. Ang Diyos ay mabuti sa mga taong may mabuting kalooban. Humingi ka ng anumang kagustuhan at iya'y masusunod."

Nabatid ng binata na ang singsing ay mahiwaga. Ang liwanag na nagmumula rito ay kumikislap.

Tiningnann mabuti ni Matapang ang singsing. Naalala niya ang tagubilin ng matanda, "Humingi ka ng kahilinga'y at iya'y ipagkakaloob. "Siya'y napangiti at ang pag-aagam-agam niya'y naparam. Siya'y nagpalingalinga upang tiyakin ang pagdating ng kawal ng Sultan.

Dumating si Atungal kasama ang kanyang tauhan. Akiba't nila'y mga busog at palaso. Namataan nila si Matapang na nangungubli sa likod ng puno.

"Iyon! Ang ulo ng traidor ay madaling tagpasin. Pihong tayo'y nakasisisguro sa pabuya ni Sultan Sibasib!" sigaw ni Atungal. "Umabanti kayo, mga kawal!"

Nang Makita ni Matapang ang kanilang pagsulong, kanyang tinaas ang singsing at nanalangin, "O dakilang Bathala, ako po'y iligtas mo. Ang hiling ko'y si Atungal at ang kanyang mga kawal ay gawin mong pinakapangit na hayop sa gubat. Sana'y ang kanilang mga sibat ay matanim sa kanilang mga bibig. Sila sana ay tugisin ng mga mangangaso katulad ng pagtugis nila sa akin sa mga sandaling ito."

Halos hindi pa natatapos ang panalangin ni Matapang, isang kata-takang pangyayari ang naganap. Niyanig ang lupa. Nalumbungan ang bundok ng maitim na ulap. Lumakas ang hihip ng hangin. Kumidlat ng matalim. Sina Atungal at mga kawal ay sinakmal ng bagyo. Si Matapang ay hindi naano sa lilim ng punong pinangungublihan.

Nang tumigil ang bagyo, nakita ni Matapang sa lugal na kinlalagyan ni Atungal at ng kanyang mga kawal ang mababangis na hayop na may matalas na pangil!

Mula noon ang mga hayop na naglipana sa pusod ng gubat ay tinawag na baboy-ramo. Sila'y tinutugis ng mga mangangaso. Sila'y hinuhuli bilang aliwan at ang kanilang mga karne ay kinakain pagka't malinamnam.
Si Magandang-loob ay isang mayamang magbubukid. Ang kanyang palayan ay napakalawak kaya't kung ilarawan ang laki ay karaniwang sinasabing "di malipad ng uwak."

Samantalang si Magandang-loob ay saganang sagana sa buhay, ang mga nanirahan naman sa kanyang purok ai naghihikahhos. Sila'y masissipag at walang sawa sa paaggawa nguni't anuman ang gawin nilang pagsusumikap ay hindi rin sila makakita ng sapat na ikabubuhay.

Si Magandang-loob ay may katiwala na aang paangalan ay Masunurin. Isaang araw, si Masunurin ay tinanong ni Magandang -loob.

"Ang mga tao bas a ating purok ay bibigyan mo ng palay? Sila'y naghhirap at walang makain. Kaawa-awa naman sila."

"Araw-araw po ay bibigyan ko sila," ang sagot I Masunurin. "Hindi po kayatayo kapusin kung magpapatuloy tayo ng pagbibigay araw-araw?"

"Kayo po ang masusunod," ang sang-ayon ni Masunurin.

"Maalala ko pala, Masunurin," ang habol ni Magandang-loob, "bibigyan mo rin sila ng mga gulay at bungangkahoy. Maraaami tayong gualy at bungangkahhoy at malamang na masira lamang. Mabutttng ipaamigay kaysa sa mabulok."

"Gagawin ko po ang lahat ng inyong ipinagbilin," ang sagot ni Masunurin.

Dahil sa kabaitan ni Magandang-loob, siya'y napamahal sa lahat ng naninirahan sa purok na iyon. Ang bagay na ito ayumabot sa kaalaman ni Maiinggitin kaya't umisip agad si Mainggitin ng paraan upang si Magandang-loob ay mapasama sa kanyang mga kapit-bahay.

Isang araw, si Mainggitin ay nagsadya sa tahanan ni Magandang-loob, "Magandang araw sa iyo, Magandang-loob, "ani Mainggitin.

"Aba, Mainggitin," ang masayang bati ni Magandang-loob, Mabuti't naparito ka, maupo ka. Masunurin, magpasok ka nga ng maiinom. May panauhin tayo."

Matapos ang kamustahan, si Mainggitin ay tiningnan ni Magandang-loob.

"Ano ba, Maingitin ang dahilan at napadalaw ka sa akin? May maitutulong ba ako sa iyo?"

Si Mainggitin ay ngumiti muna bago sumagot.

"Sa maitutulong, Magandang-loob, ay wala. Manapa'y ako ang maay maitutulong sa iyo kaya ako ay nagsadya rito."

"Maitutulong saa akin?" ang nagtatakang wwwwika ni Magandang-loob. " Ano aaang ibig mong sabihin, Mainggitin?"

"Makinig ka, Magandang-loob. Ikaw ay kaibbigan ko kaya't hindi ko gustong umabot sa iyo ang nangyari sa akin. Noong una ay katulad mo rin akong maawain at mapaglimos sa kapwa. Sukat na ang Makita kong naghihirap sa buhay ang aking mga kaibigan ay padadalhan ko agad ng pagkain at salapi. Ang akala ko'y mabuti ang gayon. Iyon pala ay paagsisisihan ko lamang."

"At bakit?" ang tanong ni Magandang-loob.

"Sapagka't iyang mga ginagawa mong kabutihang-loob ngayon ay siya ring magpapanganyaya sa iyo," ani Mainggitin. "Isipin mo ang sinabi ko sa iyo, Magandang-loob, at natitiyak kong tuturringin mong wasto."

Nang si Mainggitin ay makaalis, si Magandang-loob ay matagal na nag-isip.Tila nga naman may katwiran si Maingitin. Bakit niya iisipin ang kabuhayan ng iba? Kung siya naman ang mawalan ng makakain, may tutulong kaya sa kanya."

"Masunurin," ang tawag ni "Magandang-loob, "Masunurin, halika't may ipag-uutos ako sa iyo."

Nang si Masunurin ay makaharap na sa kanya, ang utusan ay binigyaan niyaa ng ganitong bilin:

"Mula ngayon, Masunurin, ay huwag mo ng bigyan ng palay, gulay, at bungangkahoy an gating mga kapitbahay. Sapat na ang naibboogay natin sa kanila. Tayo man ay nangangailangan ng pagkain. Kailangan tipirin natin ang palay na natitipon sa kamalig upang hindi tayo kapusin."

"Iyan nga po ang sinasabi ko sa inyo," ang sang-ayon naman ni Masunurin. "Hayaan po ninyo at wala silang makukuhang palay mula ngayon."

Magbuhat noon,ay nagkaguton na ang mga tao sa Santa Monica. Sa gutom ng mga tao, pati na ang ugat ng mga damo at ugat ng mga kahoy aykanilang kinakain. Dumating ang araw na ang lahat ay wala ng magawang paraan upang maligtas sa kagutuman. Ang mga naninirahan sa puok ay nagtipon-tipon sa liwasan at nagpulong upang pasiyahan kung ano ang dapat nilang gawin.

"Ang mabuti ay tumawag tayo sa Dakilang Lumikha," ang payo ng isang matanda. "Siya ang nakapangyayari sa lahat at Siya ang dapat magpasya sa ating kapalaran."

At gayon nga ang inawa ng mga taga-purok. Nagsiluhod silang lahat at tumawag sa Dakilang Lumikha upang silay tulungan sa kanilang pangangailangan.

"Magandang-loob!" ang malakas na tawag ng Dakilang Lumikha, " halika't sagutin mo ang mga itatanong ko sa iyo!"

"Si Magandang-loob, "ani Dakilang Lumikha, "bakit ka nagmamaramot sa mga mahihirap? Bakit mo tinitiis na mamamtay sa guttom ang iyong mga kapit-bahay? Hindi ba't ang unang tungkuling itinuro ko sa iyo ay ang pagtulong sa iyong kapwa? Nalimutan mo na ba ang lupa't kayamanang ibinigay ko sa iyo ay hnddi upang sarilinin kundi upang gamitin sa pagtulong sa iyong kapwa?"

Si Magandang-loob ay sasagot pa sana upang mangatwiran nguni't pinandilatan siya ni Dakilang Lumikhaa. Nasilaw siya at halos napasubsob sa lupa.

"Sulong, Magandang-loob!" ang utos ni Dakilang Lumikha. "Pumasok ka sa loob ng kamalig at tingnan mo ang nangyari sa palay mong ipinagmamaramot sa iyong kapwa!"

Si Magandang-loob ay nakatungong sumugod sa kanyang kamalig, at anong laking himala! Isang malakas na ugong ang bumulaga sa kanyang mga tainga at susunsusong maliliit na kulisap ang nag-unahang lumabas sa pintong nakabukas. Hindi naglaon at ang papawiri'y nagdilim sa dami ng mga kulisap na nagliparan. Ang mga iyon ang unang balang sa daigdig.
Ang susunod na kwento ay nagpapaliwanag kung bakit masikip ang balat ng kalabaw at malwang naman ang sa baka.

Si Mang Catalino ay matagumpay na mambubukid. Katunayan, umunlad ang kanyang kabuhayan dahil sa pagbubungkal ng lupa at paghahalaman. Kung siya'y may matatawag na kahinaan sa buhay, ito'y ang masyadong kasipagan. Siya'y trabaho nang trabaho. Ngunit ang araw ng Linggo ay kanyang ipinangingilin. Siya'y hindi nakalilimot magsimba.

Maagang-maaga noon. Kinalagan ni Mang Catalino si Kalakian sapagkat ito'y nakatali sa ilalim ng kamatsili. Gusto niyang pumunta sa gutaran upang mag-araro.

Si Kalakian ay nagsalita, "Mang Catalino, yayamang ang araw na ito ay aming kaarawan, Araw ng mga Hayop, maanong kami'y inyong pahintulutang magsaya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang araw na ito'y ituring ninyong pangolin. Huwag ninyo kaming papagtrabahuhin."

"Sinong kami?" tanong ni Mang Catalino.

"Kami po ni Baka."

"Anong gusto ninyong gawin?" pag-uulit sa unang tanong.

"Kami po ni Baka ay gusting magliwaliw sa ilog. Gusto naming lumangoy at maglaro."

"Oo. Pahihintulutan ko kayo ngunit pagdating ng ikasampu, kayo'y uuwi. May pupuntahan tayo. Hindi ko na kayo dapat pang sunduin."

Masayang-masay ang dalawa. Si Baka ay umunga nang malakas at mahaba. Sila'y nagpunta sa ilog. Ito'y hindi naman kalayuan.

Nang naliligo na ang dalawa si Baka ay nagtanong, "Kaibigan, ikaw ba'y kuntento na sa iyong buhay?"

"Oo, at ikaw?" sagot-tanong ng kalabaw.

"Ako'y maligaya. Mabait an gating amo. Kahit maghapong nag-aararo, sagana naman tayo sa pagkain. Nawawala agad ang pagod ko kung ako'y makapaklublob sa putik. Bakit naitanong mo iyan?"

"Di nga't palagay ko ay ganito na lamang tayo habambuhay, walang pag-asenso."

"Bakit naman?"

Si Baka ay hindi sumagot.

Sa kalalangoy at kalalaro ng dalawa, hindi nila nahalata na tanghali nap ala. Mag-iikalabindalawa na, katanghaliang pipitik.

Narito na si Mang Catalino at sila'y kinakaon. Malayo pa ay nakita na nilang may dalang pamalo. Hindi naman sila binubulyawan. Sila'y dali-daling umahon. Sila'y Dumako sa may balanggutan at doon nagbihis. Naroon ang kanilang damit.

Sa pagmamadali at takot sa panginoon, ang dinampot na damit ni Kalakian ay ang kay Baka at ang nakuha naman ni Baka ang kay Kalakian. Sila'y nagkapalit. Dali-dali nilang isinuot ang saplot upang huwag silang abutan.

Takbhan ang dalawa pauwi. Hirap na hirap si Kalakian sa pagtakbo sapagkat ang suot na damit ay sikip na sikip. Ang suot naman ni Baka ay napakaluwang at nakasalampay lamang.

Mula noon ang kalabaw ay iimpang-impang kung lumakad at si Baka nama'y mabilis humagpay at kumilos. Iyan ang dahilan kung bakit masikip ang balat ng Kalabaw at Maluwang naman ang sa Baka.
Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.

Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y gutum na gutom sapagkat galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang nalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Binuksan niya at pumasok siya sa loob. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo ay tinawag niya si Rita upang utusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin rin si Rita roon.

Nang kanyang buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galin sa loob. Kumain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong MAYA.
BALISANG BALISA ang Matsing. Ubos at wala nang pagkain sa kanyang munting pulo ng Buyayaw, at gutom na gutom na siya. Maraming pagkain sa kabilang malaking pulo at tumpak! Dapat siyang lumipat duon! Ang hirap, kailangang tumawid sa makitid na dagat nang palangoy. Mas mahirap, isang katutak na mga buaya ang palangoy-langoy sa tubig, gutom din tulad niya. Paano siya makakarating sa kabilang pulo?

“Maigi pa, tanungin ko ang dagat,” sabi ni matsing, sa wakas. “Dagat, dagat, kung mapanganib talaga sa akin ang tumawid, dapat kang maging malamig!”

Lumapit sa dalampasigan si Matsing at isinawsaw ang kanyang kamay. Ang lamig! Natigilan si Matsing sa sagot ng dagat, na mapapatay siya kung lumangoy. Subalit mahirap din ang mamatay sa gutom, kaya ipinasiya ni Matsing na tumawid sa tubig, kahit ano ang mangyari! Nagsimula na siya nang nakita niya si Buaya, naghihintay sa gitna ng tubig.

“Ano ang gusto mo sa akin?” tanong ni Matsing.

“Ang atay mo,” ungol ni Buaya. “Iyon ang favorito ko.”

“Atay ko!” bulalas ni Matsing. “Sayang, iniwan ko duon sa kabilang pampang dahil mabigat at baka malunod ako kung dinala ko. Subalit matalik kitang kaibigan, kaya kukunin ko para sa iyo. Maaari bang isakay mo ako sa likod mo at itawid sa kabila?”
Pumayag si Buaya at itinawid si Matsing sa kabilang pulo. Mabilis na bumaba ito at tumakbo sa gubat. Nang ligtas na saka lamang siya lumingon.

“Wala kang kaalam-alam, Buaya!” sigaw ni Matsing. “Mayruon ba namang nag-iiwan ng atay niya!”

Tuluy-tuloy na siya sa gubat at nagtago. Naiwan si Buaya sa pampang, galit na galit, at ipinasiya niyang maghiganti. Isang araw, pinasok niya ang bahay ni Matsing. Walang laman ang bahay, nasa labas si Matsing at naghahanap ng pagkain. Nagtago sa luob ng bahay si Buaya at nag-abang.

Pagbalik ni Matsing, nakita niya ang mga bakas sa lupa at naghinalang tatambangan siya ni Buaya. Upang makatiyak, sumigaw siya, “Kung mayruong nasa luob ng bahay, tumahimik siya, subalit kung walang naghihintay sa luob, dapat siyang humiyaw!”

Pagkarinig ni Buaya, humiyaw nga siya upang ipahiwatig na walang naghihintay sa luob ng bahay.

“Tanga ka, Buaya!” sigaw ni Matsing bago tumakas. “May hihiyaw ba kung
walang nasa luob ng bahay!?”

Nabigo uli, hindi sumuko si Buaya. Kinabukasan, naglublob siya sa putik hanggang bumantot ang amoy niya. Tapos, dumapa siya sa lupa nang walang kilos, nagkunwaring patay na siya. Hindi siya gumagalaw, kaya dinapuan siya ng maraming langaw tulad ng gawa nila sa bangkay. Hindi nagtagal, dumating si Matsing at lumapit sa “patay” na Buaya.

“Ikaw, Buaya, kung buhay ka pa, huwag kang umimik,” sabi ni Matsing, “subalit kung talagang patay ka na, umongol ka!”

At umngol nga si Buaya upang patunayan na hindi siya nagpapatay-patayan!

Kumaripas patakas si Matsing.

“Talagang gunggong ka, Buaya!” sigaw ni Matsing mula sa malayo. “Sino ba namang patay na buaya ang umuungol?!”

Marami pa silang naging paghahamok, subalit dahil tuso, laging nakaiwas si Matsing sa mga pakana ni Buaya.
Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat. Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasingganda ang kalooban ni Buwan. Galit na galit si Buwan. Tapos, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa , nakatuklasan niya na ang kanyang brilyante ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas nagalit si Buwan. Nang nalaman ng Diyos tungkol sa panyayari, inutusan niya ang dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuaso ang dalawang anghel at ibinato nila ang dalawang magkapatid sa dagat. Tapos, ibinato rin nilang paitaas ang dalawang brilyante sa langit. Nadikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwang ay tinatawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.

Ang ibang alamat ay nagpapaliwang bakit ang langit ay mataas.

Noong unang panahon, malapit na malapit ang langit sa lupa. Maaring mahipo iyon. Nakatira ang dalawang magkapatid na lalake sa kanilang mga magulang. Ang mga pangalan nila ay Ingat at Daskol. Walang anak na babae ang mga magulang nila at dahil doon si Daskol ang gumagawa ng mga gawaing-bahay. Pabayang trabahador si Daskol. Kung bumayo siya ng palay ay natatapon ang kalahati sa lupa. Ayaw niya ang trabahong magbumayo ng palay. Isang araw, bumayo si Daskol ng maraming-maraming palay. Tuwi siyang nagtaas ng halo, hinahampas niya ang langit. Tumaas ng tumaas ang langit. Noong matapos siya, naging mataas ang langit na katulad ngayon.