Biyernes, Hulyo 3, 2009

Marami nang pinagdaanan ang daigdig bago pa nagkaroon ditto ng mga tao. Ang nakalipas na ito, tulad ng iba pang bagay, ay sinaliksik din ng tao at batay sa kanyang natuklasan, binigyan ito ng pangalan ang kapanahunang hindi niya inabot.


Ang unang apat na bilyong taon sa buhay ng mundo ay nahati sa kapanahunang Archeozoic at Proterozoic. Ang dalawang kapanahunang ito ay tinatawag ding pre-Cambrian. Sa kapanahunang ito unang nabuhay ang mga dikya, bulati, koral at mga mikrobyo.

Matapos ang Proterozoic, sumunod naman ang Paleozoic na nagsimula mga 570 milyong taon na ang nakararaan at tumagal nang 330 taon. Sa mga huling epoka ng kapanahunang ito unang lumabas ang mga halamang may butong maaaring itanim muli, ang mga unang reptilya, at mga nilikhang nagmula sa isda, tulad ng palaka. Ang kapanahunang Paleozoic ay binubuo ng maiikling panahong tinatawag namang Cambrian, Ordovician, Silurian, Devonian, Carboniferous, at Permian.

Maraming pakinabang sa panahong Cambrian sapagkat maraming hayto ang natagpuan at napag-aralan mula sa panahong ito. Nariyan ang mga hayop na may bahay tulad ng suso, tahong, talaba, at iba pa. Ganoon din halos ang mga panahong Ordovician at Silurian. Noong panahon ng Devonian, nagsimulang tumubo ang makakapal na kagubatan mula sa mga latian. Sa mga tubig na malilinis, dumami na rin ang mga isda.

Pre-Cambrian



Cambrian



Devonian