Ito ay parabula ni Buddha na ginagamit niya sa kaniyang pangangaral.
Mayroong isang dakilang hari na mapang-api sa kaniyang sinasakupan. Dahil doon ay kinasusuklaman siya ng mga tao.
Nang mabalitaan niyang nasa kaniyang kaharian ang isang Banal na Tao, pinuntahan niya ito at humingi ng aral upang magamit niya ang kaniyang pag-iisip sa makakabuti lalo sa kaniya.
Ang Banal na Tao ay nagsabi: Ikukuwento ko saiyo ang parabula ng gutom na aso.
Mayroong isang malupit na mapang-alipin na n hari kaya ang diyos na si Indra ay nagbalatkayong isang
mangangaso.
Kasama niya ang Demonyong si Matali na nag-anyong napakalaking aso, sila ay bumaba sa lupa. Pagpasok nila sa palasyo ay umatungal nang napakalungkot kung kaya ang mga
gusali ay nayanig ang kailaliman nito. Ang malupit na hari ay nag-utos na dalhin ang mangangaso sa kaniyang harapan at tinanong ang dahilan ng pag-aalulong ng aso.
Sabi ng mangangaso, "Ang aso ay gutom ". Kaya dali-daling nag-utos ang hari na kumuha ng pagkain. Pagkatapos ubusin ang hinandang pagkain, umalulong ulit ang aso. Nag-utos ulit na magdala ng pagkain ang hari para sa aso hanggang maubos ang kanilang inimbak na pagkain, hindi pa rin huminto ang aso sa kaaalulong. Naging desperado ang hari. Siya ay nagtanong, "Walang makakabusog sa asong iyan?" "Wala", sagot ng mangangaso. "Maliban siguro kung ipapakain ang balat ng kaniyang mga kaaway. "At sino ang mga kaaway niya ?" urirat ng hari.
Sumagot ang mangangaso: Ang aso ay atuloy na aalulong hanggang may naguguton na tao sa kaharian at ang kaniyang mga kaaway any ang mga malulupit na umaapi sa mahihirap.
Ang hari na tinutukoy ng Mangangaso ay naalala ang kaniyang masasamang gawi at siya ay nagtika at sa unang pagkakataon ay nalinig siya sa pangaral ng kabutihan.
Nang tapos na ang kuwento, pinagsabihan ng Banal na Tao ang hari na namutla sa takot :
"Ang Tathagat ay mapapadali ang pandinig ng mga may kapangyarihan at ikaw dakilang hari kapag narinig mo ang pagtahol ng aso, isipin mo ang mga Turo ni Buddha at tatahimik ang Aso.