Ano ang Talambuhay?
Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
Mga uri ng talambuhay:
Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
Mga uri ng talambuhay:
- Uri ng talambuhay ayon sa paksa at may-akda:
- Talambuhay na pang-iba - isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na isinulat ng ibang tao.
- Talambuhay na Pansarili - isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may akda.
- Talambuhay Pangkayo - isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang hayop na naging sikat sa isang bansa, lalawigan, bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga tao dahil sa angking galing ng mga ito.
- Uri ng talambuhay ayon sa nilalaman:
- Talambuhay na Karaniwan - isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama rito ang detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga naging tungkulin, mga nagawa, at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa kanya.
- Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad - hindi gaanong binibigyan-diin dito ang mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip ay binibigyang-pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung paano nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan....