Ano ang Maikling Kwento?
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."
Paglalarawan:
Bilang isang masining na panitikan,naglalahad ng isang pangyayari ang maikling kuwento. Hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita.
Layunin:
Bilang anyo ng panitikan, may layunin itong magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay sa pangunahing tauhan, at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Isa pa rin sa mga pangunahing layunin nito ang manlibang. Isa itong uri ng panitikan na nag-iiwan ng mga aral at kaisipan sa mambabasa.
Kayarian:
Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
Mga Elemento:
Simula Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
Gitna Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Wakas Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

- Panimula - Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
- Saglit na Kasiglahan - Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa problema.
- Suliranin - Problemang haharapin ng tauhan.
- Tunggalian - May apat na uri: tao vs. tao, tao vs. sarili, tao vs. lipunan, tao vs. kapaligiran o kalikasan.
- Kasukdulan - Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
- Kakalasan - Tulay sa wakas.
- Wakas - Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
- Tagpuan - nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
- Paksang Diwa - pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
- kaisipan - mensahe ng kwento.
- Banghay -pangyayari sa kwento.
- Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
- Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
- Sa kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
- Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
- Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
- Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
- Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
- Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.
- Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.